Scholarship Program para sa mga Taga-Rizal


July 17, 2023 – Nagtungo si Cong. Howard Guintu sa DMPC Training Center sa Rizal para bisitahin ang kanyang TESDA scholars. Nasa 50 estudyante ang ating natulungan na magkaroon ng scholarship sa ilalim ng Special Training for Employment Program (STEP) ng TESDA. Kasalukuyan silang kumukuha ng kursong Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC I at NC II. Nagbigay din sa kanila ng daily allowance para masigurong wala na silang gagastusin sa programang ito.

Malugod na pinasasalamatan ni Cong. Howard Guintu ang TESDA at si Secretary Suharto T. Mangudadatu sa kanilang mahusay na training programs na nagbibigay-daan sa mga kabataan na abutin ang kanilang mga pangarap. At kay House Speaker Martin Romualdez sa walang sawang pag-suporta sa ating programa.

“Hiling ko na maraming matutunan ang aking mga scholars sa loob ng 37 na araw ng training. Sa sama-samang pagsisikap, patuloy nating mabubuo ang isang maganda at progresibong kinabukasan!”, dagdag ni Cong. Howard Guintu.

Related News & Media

Latest news, blogs and updates.

Fuel Subsidy Assistance Program

August 11, 2023 – Nakipagtulungan si Cong. Howard Guintu ng Pinuno Partylist sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para magsagawa…

Read More

Nego-Kart Project para sa mga taga-Pontevedra Capiz

August 3, 2023 – 35 Nego-Karts ang naipamahagi ni Cong. Howard Guintu sa mga taga-Pontevedra Capiz. Ang programang ito ng Department of…

Read More

House Bill 8651 para sa internet refund, inihain

August 1, 2023 – Malaking bahagi sa araw-araw na buhay ang paggamit ng internet connection. Ginagamit ito para sa komunikasyon, sa pag-aaral,…

Read More